^

Bansa

‘Kiko’ lumakas pa, lalabas ng PAR mamayang gabi

Pilipino Star Ngayon
�Kiko� lumakas pa, lalabas ng PAR mamayang gabi

MANILA, Philippines – Sa bumagal pang paggalaw palabas ng Philippine area of responsibility (PAR), lumakas pa ang bagyong “Kiko” habang binabagtas ang Balintang Channel, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 115 kilometro kanluran ng Basco, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Kiko ang lakas na 60 kilometer per hour at bugsong aabot sa 70 kph habang gumagalaw pa hilaga-kanluran sa bilis na 10 kph.

Wala namang nakataas na tropical cyclone warning signals sa buong bansa.

Inaasahan na lalakas pang muli at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 24 oras.

Tinatayang lalabas ng PAR si Kiko mamayang gabi o bukas ng umaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with