^

Bansa

NBI iimbestigahan ang pagpatay kay Carl Arnaiz

Pilipino Star Ngayon
NBI iimbestigahan ang pagpatay kay Carl Arnaiz

MANILA, Philippines — Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ngayong Lunes ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng 19-anyos na estudyante sa operasyon ng Caloocan City police.

Ayon sa mga pulis, napatay si Carl Angelo Arnaiz matapos mangholdap umano ng isang taxi sa C-3 Road sa Caloocan noong Agosto 18.

Ang mga rumespondeng pulis na sina Jefrey Perez at PO1 Ricky Arquta ang tumulong sa taxi driver na si Tomas Bagcal at nakabaril kay Arnaiz.

BASAHIN: Pinsan ni Carl Arnaiz sa mga pulis: Nakakatulog pa ba kayo sa gabi?

Sa salaysay naman ng pamilya ni Arnaiz, ganap na 3:20 ng madaling araw ng lumabas ang binate noong Agosto 17 upang bumili ng makakain. Matapos nito ay nalaman na lamang nila na nasa punerarya na ang bangkay ni Arnaiz, 10 araw matapos siyang mawala.

Sa ginawang forensic analysis ng Public Attorney's Office, lumabas na pinahirapan ang biktima bago pinaslang.

"Malalalim 'yung gasgas niya, mukhang kinaladkad ito at mukhang binugbog. Magang-maga 'yung kanyang mga mata. Meron din kami nakitang marka na siya ay pinosasan. Maraming marka ng posas," wika ni  Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO Forensic Laboratory Services, sa ABS-CBN News.

Nito lamang ay isang 17-anyos na estudyante rin ang pinaslang ng mga pulis Caloocan na ikinagalit ng publiko.

Nakita sa kuha ng CCTV kung paano kinaladkad ng mga pulis si Kian delos Santos ilang metro sa kanilang bahay at kung saan siya pinagbabaril.

Lumabas sa autopsy at base na rin sa salaysay ng mga testigo na hindi nanlaban ang biktima, taliwas sa sinabi ng mga pulis.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with