^

Bansa

Bakbakan sa Marawi sumiklab uli

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumiklab muli ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at mga teroristang Maute group sa battle zone area sa Marawi City.

Ang bakbakan ay nagsimula kamakalawa ng hapon malapit sa Bato Mosque at dalawa pang malilit na mosque sa lugar kung saan hinihinalang nagtatago ang mga lider ng Maute kaya tinarget ito ng militar sa isinagawang airstrike.

Ayon kay  AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na nasa 30 hanggang 45 pang mga mi­yembro ng Maute ang tinutugis ng militar sa lungsod at malaki ang kanilang paniwala na hawak pa rin ng grupo ang nasa mahigit 30 pang bihag ng grupo.

Sa pinakahuling mos­que umano na napasok ng mga sundalo kamakalawa ay hindi na nila nakita o naabutan ang mga bihag na kinabibilangan ni Fr. Chito Suganob.

Paliwanag pa ni Padilla na hindi direktang mapuntirya ng mga sundalo ang mosque dahil iniiwasan nilang mawasak ang lugar na pinagdarasalan at napagkukunan ng inspirasyon ng mga residente sa pagbangon muli ng kanilang lugar.

Posible rin umanong nakakalat at nagkahiwa-hiwalay na ang mga tero­rista para hindi sila mahuli ng mga sundalo kaya nag-iingat din ang tropa ng militar sa kanilang mga paggalaw.

Samantala, kinumpirma naman ni Provincial Crisis Management Committee Assemblyman Zia Alonto Adiong na may ilang batang miyembro ng teroristang grupo ang nakuhanan ng litrato na may hawak na baril.

Sinabi naman ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner na, may nakaka-engkwentro na silang mga child warriors ng Maute.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with