^

Bansa

Social media pinagbasehan ng Caloocan Police sa bintang kay Kian

Pilipino Star Ngayon
Social media pinagbasehan ng Caloocan Police sa bintang kay Kian

Una nang iginiit ng pamilya ni Kian delos Santos na walang kinalaman sa ilegal na droga ang kanilang anak. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Tunay ngang parte na ng buhay ng tao ang social media kaya naman isa ito sa pinagbasehan ng nasibak na hepe ng Caloocan Police sa impormasyona na may kinalaman sa ilegal na droga ang napatay na 17-anyos na si Kian delos Santos.

Sa gitna ng imbestigasyon ng Senado Huwebes ng hapon, inamin ni dating Caloocan Police Chief Superintendent Chito Bersaluna na sangkot ang binata sa ilegal na droga base sa salaysay ng isang alyas "Nono."

“We also based sa lumalabas doon sa mga ano sa social media, may roon din nagsasabi. ‘Yun lang po ang basis namin,” wika ni Bersaluna.

Nadakip si Nono isang araw matapos mapatay si delos Santos kung saan itinuro niya ang estudyante na nagtutulak ng droga.

Hind naman nagustuhan ni Sen. Manny Pacquiao ang pag-validate ng mga pulis ng impormasyon sa social media.

“Napakababaw na dahilan na based on social media,” sagot ng senador.

Bukod kay Bersula, sinibak din sa pwesto si Northern Police Department Chief Superintendent Roberto Fajardo habang gumugulong ang imbestigasyon.

Taliwas sa pahayag ng pulis na nanlaban umano si delos Santos kaya pinaputukan ito, lumutang ang isang CCTV footage kung saan makikita ang biktima na tila kinakaladkad sa isang madilim na eskenita kung saan kinalauna’y natagpuan itong patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with