^

Bansa

Pinas, vibrant promoter ng demokrasya - Andanar

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na iba na ngayon ang pananaw ng international community sa Pilipinas mula sa pagiging pinaka-peligrosong bansa para sa mga media practitioner dahil sa media killings ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Sec. Andanar, isang vibrant promoter na ngayon ng demokrasya ang bansa partikular sa kalagayan ng mga media practitioners.

Sinabi ni Andanar na nang pumasok ang Duterte administration noong 2016 ay lumakas din ang paggamit ng social media sa bansa.

Aniya, marami ang sumikat na bloggers at social media practitioners bagamat nasa tila crossroad pa rin ngayon ng pagtukoy sa mga peke at totoo.

Ipinaalala rin ni Andanar na bilang patunay ng pagiging vibrant promoter ng demokrasya ng media ay ang agad na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Administrative Order #1 na Presidential Task Force on Media Security at ang Executive Order #2 na Freedom of Information na nagpapakita rin ng transpa­rency sa gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with