^

Bansa

Faeldon tumanggap ng P100M ‘pasalubong’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Faeldon tumanggap ng P100M �pasalubong�

Si Sen. Ping Lacson habang nagbibigay ng kanyang privilege speech sa Senado kaugnay sa umano’y “tara” at iba pang iregularidad sa Bureau of Customs. Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines - Pinangalanan ni Sen. Panfilo Lacson si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa mga umano’y personalidad na nakikinabang sa smuggling activities sa Bureau of Customs (BoC) at tumanggap ng P100 milyon bilang “pasalubong” o welcome gift nang maupo sa Customs.

“Loud whispers in the four corners of the Bureau of Customs compound tell of a P100 million ‘pasalubong’ to the newly installed Commissioner, a quarter of which, or P25 million was retained as finder’s fee by his middleman named Joel Teves,” pagbubunyag ni Lacson sa privilege speech nito kahapon sa Senado.

Aniya, kung sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay may tinatawag na ‘Goodbye Pabaon”, sa BoC naman ay “welcome pasalubong”.

Sa data ng senador, umabot sa P5.109 million ang nakuha ng BoC officials sa mga container na inilabas sa kanilang hurisdiksyon mula Mayo hanggang Hunyo lamang ngayong 2017.

Sinabi ni Lacson na sa halip na buwagin ni Faeldon ang “tara system” sa BoC, siya pa ang nangunsinti at nagpalala sa korapsyon sa loob ng bureau.

“Unfortunately, instead of going against the system, siya ang kinain ng sistema, they effectively to­lerating and even promo­ting the impunity of corruption,” ani Lacson.

Binanatan din niya si Faeldon na nagsabing “tapat” at mag-isang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa BoC simula nang siya ay maupo noong Hulyo 1, 2016.

Ayon kay Lacson, hindi totoong nag-iisa si Faeldon dahil lumalabas sa rekord na agad niyang ipinasok sa nasabing araw sa BoC sina Gerardo Gambala, Milo Maestrecampo, Atty. Many Therese Anderson at Henry Torres bilang mga technical assistants na tumatanggap ng P40,000-P50,000 monthly compensation.

Sinabi ni Lacson na malayang nakakapasok ang bultu-bultong illegal drugs sa bansa dahil na rin sa protection money na tinatamasa ng mga tiwaling opisyal at kawani sa BoC na “everybody happy” sa tuwing Biyernes.

Muling sumingaw ang iligal na aktibidad nang makalusot ang P6.4 bilyong shabu sa BoC mula China dahil sa kapangyarihan ng “tara system”.

Sabi pa ni Lacson, mula sa kanyang sources, sa “standard tara” kumukubra ng P19,000-P45,000 kada container ang mga opisyal ng Central Customs Office habang ang Manila International Container Port (MICP) officials at employees ay kumokolekta ng payola na P14,700-P23,700 para sa 40-footer container. Ang kabuuang tara na binabayaran kada container ay mula P33,000-P68,000.

Sa 40-footer container para sa Port of Manila (POM), ang tara ng Customs officials at employees ay P15,700-P26,700. Kung idadagdag sa standard tara, ang kabuuang tara ay umaabot sa P34,700-P71,000.

Para sa 20-footer container, may karagdagang P12,200-P20,700 ang tara para sa Customs officials at employees sa MICP na idagdag sa standard tara, ay aabot sa P31,200-P65,000.

Sa POM, tumatanggap din umano ang mga opisyal at empleyado ng Customs ng P13,200-P23,700 o kabuuang tara na P32,200-P68,700.

Sa nabanggit, ang share ng bawat tanggapan o indibidwal sa loob ng BoC ay pumapatak ng P200 hanggang P15,000 kada container.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with