^

Bansa

Brownouts sa Palawan, sisiyasatin ng Senado

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang resolusyon ang inihain ng isang senador na humihiling na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa palagiang brownouts sa Palawan.

Sa panukalang Se­nate Resolution No. 470 na inihain ni Senator Sherwin Gatchalian, inaatasan nito ang kaukulang komite ng Senado na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon “in aid of legislation” sa nasabing isyu upang mabusisi kung nakasusu­nod ba ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa Epira Law o Republic Act No. 9136 at sisilipin din ang performance ng National Electrification Administration (NEA) bilang regulator ng electric cooperatives sa ilalim ng Republic Act No. 10531.

Nabatid na hindi nasisiyahan si Gatchalian sa isinagawang “shallow” probe na isinagawa ng NEA sa mga serye ng brownouts na inirereklamo ng mga residente sa nasabing lalawigan.

Nabatid na sa ginanap na dayalogo ng Energy Committee kasama ang mga opisyal ng PALECO, NEA, at pribadong private energy stakeholders noong Agosto 3, 2017, nadiskubre na ang madalas na brownout sa Puerto Princesa City ay bunsod sa kabiguan ng DMCI Power Corporation na mag-supply ng 25 megawatts ng elektrisidad na kanilang naipa­ngako sa ilalim ng  “2012 power supply agreement” sa  PALECO.

Dahil dito, nagbigay ng direktiba ang nasabing komite sa NEA na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin.

Gayunman, lumalabas sa resulta ng pagsisiyasat ng NEA na hindi ito katanggap-tanggap dahil sa kanilang kabiguang magbigay ng mga bagong impormasyon at espesipikong hakbang upang matigil na ang mga brownouts sa lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with