^

Bansa

Dagdag pondo sa 2018 housing projects, giit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nanawagan kahapon si 3rd District Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development sa pamahalaan na taasan ang pondo ng housing projects upang mabigyang solusyon ang problema sa pabahay para sa mga maralitang Pilipino.

 Sinabi ni Benitez, nasa P 4.795 bilyon ang panukalang badyet para sa housing sector sa 2018 na 68.87 % na mababa kumpara noong nakalipas na taon.

  Nabatid na sa taong ito ang panukalang pondo ng National Housing Authority (NHA) ay P 2.235 bilyon habang sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) ay P773.63 milyon.

 Sa tala ng NHA, sinabi ng solon na nasa 1.5-M ang mga pamilyang iskwater sa bansa kung saan nasa 600,000 dito ay nasa Metro Manila.

 Sa pahayag naman ng Housing and Urban Deve­lopment Coordinating Council (HUDCC), ang panga­ngailangan ng bansa sa pabahay ay aabot sa P6.8-M sa taong 2022 kabilang na ang 2-M housing backlog noong nagdaang taon.

 Ang panukalang 2018 budget ng NHA ay 82.38 % na mababa kumpara noong nakalipas na taon na nakalaan sa resettlement ng mga pamilyang iskwater partikular na sa Metro Manila at housing para sa AFP at PNP personnels.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with