Poultry ban inalis
MANILA, Philippines - Tinanggal na ng Department of Agriculture ang ban o pagbabawal sa shipment ng poultry at poultry products mula Luzon para dalhin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa makaraan ang bird flu outbreak sa Pampanga at Nueva Ecija kamakailan. Ayon kay DA Secretary Manny Pinol, ang hakbang ay ginawa base sa rekomendasyon ng biosecurity experts at conformity ng National Meat Inspection Service. Sinabi ni Pinol na ang mga produkto ay hindi mula sa 7 kilometer radius ng San Luis, Pampanga, at 7-km radius ng San Isidro at Jaen sa Nueva Ecija. Ang anumang shipment anya ay dapat na nabusisi ng quarantine officers at kailangang may dalang sertipikasyon mula sa accredited at inspected farms sa Luzon at ang produkto ay dapat selyado ng pagkasuri ng quarantine officers.
Ang fresh eggs ay pinapayagan ng DA gayundin ang balot pero kailangang luto bago dalhin sa ibang lugar.
- Latest