^

Bansa

Kabulukan sa BoC tutuldukan ni Lapeña

Pilipino Star Ngayon
 Kabulukan sa BoC tutuldukan ni Lapeña

Ayon kay Duterte, may tiwala siya sa kakayahan ni Lapeña na matutugunan nito ang mga problema sa BOC. File

Duterte umaasa

MANILA, Philippines -  Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na matutuldukan ni Isidro Lapeña na itinalaga niyang bagong hepe ng Bureau of Customs ang korupsiyon at bulok na sistema ng ahensiya.

Ayon kay Duterte, may tiwala siya sa kakayahan ni Lapeña na matutugunan nito ang mga problema sa BOC.

Idinagdag pa ni Du­terte na ipauubaya rin niya kay Lapeña kung nais nitong magsagawa ng malawakang reorganisasyon sa ahensiya.

Si Lapeña na kasalukuyang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency ay papalitan ni PNP Region 3 Regional Director Chief Superintendent Aaron Aquino.

Samantala, tiniyak kahapon ni Senador Panfilo Lacson na mahihirapan na ang sindikato ng illegal smuggling sa loob ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa pagkakatalaga dito kay Lapeña.

Ayon kay Lacson, magdadalawang-isip na ang mga protektor ng mga illegal shipments lalo na ang mga nagpapalusot ng droga sa BoC ngayong si Lapeña na ang bagong Customs commissioner kapalit ng “sinibak” na si Nicanor Faeldon.

Sa isang ambush inter­view, sinabi ni Lacson na tiwala siya kay Lapeña at kilala niya ang pagka­tao nito kaya umaasa siyang magagampanan ng opis­yal ang kanyang tungkulin huwag lamang umanong matangay sa bulok na sistema ng BoC.

Samantala, hinamon kahapon ni Magdalo Rep. Gary Alejano si dating BoC Commissioner Nicanor Faeldon na basagin ang pananahimik nito at ibun­yag ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa smuggling.

Ginawa ni Alejano ang hamon makaraang tanggalin ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa puwesto si Fael­don bunga ng kontro­bersiyal na pagkakalusot sa BoC ng P6.4 bilyong halaga ng shabu.

Sinabi ni Alejano na tama lamang na sibakin na ng Pangulo sa posisyon si Faeldon dahil sa kapalpakan at pananagutan nito sa smuggling ng bilyong halaga ng shabu sa BOC.

Hinamon din ni Senador Ralph Recto si Lapeña na abutin nito ang P1.28 bilyong “daily collection goal” ng bureau.

Ayon kay Senate Pre­sidet Pro-Tempore Ralph Recto, dapat ay wala nang oras para kay Lapeña na mag-on the job training (OJT) at kailangang tutukan nito ang pag-abot sa tinatarget na koleksyon ng BoC. (Malou Escudero, Ellen Fernando at Joy Cantos)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with