^

Bansa

Ang utos ko sugpuin ang droga, hindi pumatay – Bato

Pilipino Star Ngayon
Ang utos ko sugpuin ang droga, hindi pumatay � Bato

Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa. AP/File photo

MANILA, Philippines – Dismayado si Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa operasyon ng Caloocan City police na nagresulta sa pagkasawi ng 17-anyos na estudyanteng si Kian delos Santos.

Sinabi ni dela Rosa na kung totoo man na drug courier si delos Santos ay hindi pa rin dapat siya nasawi.

“Hindi ko masasabi na blunder kaagad ‘yan pero ako mismo personally dismayado ako sa resulta ng operation dahil bakit namatay yung bata? Courier man siya o hindi, pero hindi dapat patayin kung talagang hindi nanlaban,” wika ng hepe ng PNP sa dwIZ.

BASAHIN: Duterte handang ipakulong ang mga pulis sa Kian slay

“’Yun ‘yung pagkadismaya ko sa operation. Kung totoo man ‘yang binaril na walang kalaban-laban ‘yung bata. Ang utos ko po ay mag-operate tayo ng droga at hindi pumatay nang pumatay,” dagdag niya.

Ayon sa autopsy report, tatlong tama ng bala ang tinamo ng estudyante, kung saan dalawa ang tumama sa ulo. Lumabas din sa pagsisiyasat na nakasalampak sa sahig ang biktima nang pagbabarilin.

Naka-restrictive custody na ang tatlong pulis na nasa likod ng pagkamatay ni delos Santos na nagsabing nanlaban ang biktima. Taliwas ito sa nakita sa kuha ng closed-circuit television camera ng barangay at sa salaysay ng mga testigo.

Samantala, sa kabila ng galit ng publiko sa pagkasawi ni delos Santos ay magpapatuloy pa rin ang anti-drug operations ng pulisya.

BASAHIN: Pagkamatay ni Kian iba sa totoong resulta ng war on drugs – PNP

“Alam natin na ang general intention ng ating pangulo na gusto talaga niyang tuunan ng pansin at bigyan ng solution itong drug problem ng ating bansa, but at the same time ayaw niya ng pang-aabuso. Ayaw niya mang-abuso ‘yung mga pulis” sabi ni dela Rosa.

“While ongoing ‘yung ating pagdidisiplina ng ating mga tauhan, patuloy pa rin ‘yung ating kampanya. Hindi po ‘yan hihinto,” dagdag niya.

Tiniyak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananagot ang tatlong pulis kung mapatutunayang nagkasala.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with