^

Bansa

Sorpresang inspeksyon sa mga palengke sa Quezon City, giit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni Quezon City District 5 Councilor Allan Butch Francisco sa awtoridad na magkaroon ng sunud-sunod na surprise inspection sa lahat ng pampubliko at pribadong palengke sa Lungsod Quezon upang matiyak na ang mga binebentang manok, itlog at iba pang poultry products ay safe para sa human consumption.

Sa nakaraang privilege speech sa konseho, idiniin ni Francisco ang kahalagahan kung bakit dapat na pag-usapan nang seryoso ang mahigpit na pag-iinspeksyon sa bawa’t pamilihan.

“Alam naman nating lahat na ang Quezon City ay isang major artery mula North Luzon patungo sa southern part.  Karamihan sa mga produkto rito sa atin ay nagmumula sa northern provinces, especially from Pampanga,” aniya.

Nagpahayag ng pa­ngangamba si Francisco sapagka’t nito lamang buwan nang hayagang malaman na ang mga manok, itlog at iba pang poultry products sa bayan ng San Luis, Pampanga ay kontaminado ng bird flu virus.

Dagdag ni Francisco, nais niyang masiguro sa committees on health and sanitation at market deve­lopment and administration department ang mga contingency measures upang matiyak na walang infected poultry products sa ating mga pamilihan mula sa Pampanga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with