^

Bansa

Bebot, nagpanggap na PDEA agent timbog sa Las Piñas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huli sa mga awtoridad ang isang babae na nagpanggap na ahente ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) sa isinagawang entrapment operation sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Shiela Serrano, 30 taong gulang at residente ng Brgy. Pulang Lupa 2 sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Sr. Insp. Jay-r Fajardo, hepe ng Las Pinas Police Station Drug Enforcement Unit, nauna nang dumulog sa kanila si kagawad Evelyn Biong ng Brgy. Manuyo 2, at inireport ang umano’y pananakot sa kanya ng suspek na si Serrano.

Nagpakilala umano si Serrano sa kanya na ahente ng PDEA, at sinasabing kabilang umano sa ‘High Value Target’ kaugnay sa iligal na droga si Biong.

Sinabi ni Biong na ma­lilinis ang kanyang pangalan kung magbibigay siya ng P300,000.

Ayon kay Fajardo, nakapagbigay na ng P100,000 si Biong noong Biyernes, bilang paunang bayad .

Kamakalawa ng hapon hinihingi na ng suspek ang kabuuang bayad mula kay Biong.

Lingid sa kaalaman ng suspek may ikinasa nang entraptment operation ang mga awtoridad at sa harap mismo ng bahay ng biktima isanagawa ang operasyon.

Aktong nag-aabutan na ng pera ay dinakma na ang suspek at nakuha sa kanyang baywang ang isang 9mm na baril na may magazine at bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with