DepEd-PENS confab isasagawa sa Baguio
MANILA, Philippines - Nag-organisa ang Department of Education-Partnership of Employees and Non-teaching Staff (DepEd-PENS) ng Pambansang kumbensyon at Seminar na may paksang “Meeting the challenges and improving services of Non-teaching staff in the era of change and K-12” sa Agosto 25-27 ng taong kasalukuyan sa Teachers Camp, Baguio City. Ayon kay Dr. George P. Tizon, Presidente ng DepEd-PENS, mahigit 500 miyembro na galing pa sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ang inaasahang lalahok sa kumbensyon. Bawat rehiyon ay kakatawanin ng miyembrong DepEd-PENS mula sa eskuwelahan, division at regional level na binubuo ng academic non-teaching personnel at non-academic non teaching personnel sa DepEd. Ayon kay Tizon, Layunin ng DepEd na gumawa ng livelihood projects na makakatulong sa pagtaas ng morale ng Non-teaching personnel at rank and file employees ng DepEd.
- Latest