^

Bansa

Kian rally okay lang sa Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kian rally okay lang sa Malacañang

Iginagalang ng Malacañang ang karapatan ng mga mamamayan na mag-rally upang ihayag ang kanilang mga sentimiyemto. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines - Iginagalang ng Malacañang ang karapatan ng mga mamamayan na mag-rally upang ihayag ang kanilang mga sentimiyemto.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kaugnay sa mga rally na balak idaos para sa 17-taong gulang na estudyante na pinatay sa Caloocan ng mga pulis dahil sa sinasabing nanlaban habang hinuhuli ng mga awtoridad.

Ayon kay Abella, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na pinapayagan nito ang mga protest ng mga mamamayan basta’t hindi ito nagiging sagabal sa gawain ng publiko at hindi nalalagay sa alanganin ang seguridad ng mga mamamayan.

 Ipinaliwanag pa ni Abella na bahagi ito ng pinaniniwalaang pilosopiya ng Pangulo kaugnay sa kritisismo na bahagi umano ng isang nagta-trabahong gobyerno.

Hinikayat ni Abella ang mga magpo-protesta na makipagtulungan sa mga awtoridad na inaasahang magpapatupad ng maximum tolerance sa mga rally.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with