^

Bansa

Sa Barcelona batang Pinoy kabilang sa patay sa van attack

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng Department of Foreign Affairs na isang pitong taong gulang na batang Pilipino na naunang napaulat na nawawala ang kabilang sa mga namatay sa van attack sa Barcelona, Spain kamakailan.

Kinumpirma ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang pagkamatay ni Julian Cadman, isang British-Austrian na anak ng isang Pilipina na nasugatan sa atake.

Sinabi ni Cayetano na isinaad sa report ni Charge d’Affaires Emmanuel Fernandez ng Philippine Embassy sa Madrid na ang bangkay ng bata ay nakilala ng ama nito.

Inatasan naman ng kalihim si DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Arriola na magbigay ng tulong sa pamilya ng bata at sa iba pang Pilipinong nabiktima ng van attack sa Barcelona sa naturang bansa. (Rosette Adel at AP)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with