^

Bansa

Majority at minority bloc sa Senado ‘nagkapit-bisig’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Resolusyon sa Kian probe nilagdaan

MANILA, Philippines - Nagkaisa kamakalawa ang “majority at mino­rity bloc” ng Senado na lumagda sa magkahiwalay na resolusyon na nagkokondena sa ginawang pagpatay sa 17-anyos na high school student na si Kian Lloyd delos Santos at sa pagsusulong ng imbestigasyon ng Senado sa nasabing kaso.

Sa ginanap na caucus ng majority members ng Senado na ipinatawag ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo, 17 senador ang lumagda sa resolusyon na nagsasabi na nais nilang magsagawa ng “investigation in aid of legislation” ang Senate committee upang madetermina ang pananagutan at paglabag ng Philippine National Police sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. 

Sinabi ng mga senador na ang panghuhuli at operasyon laban sa droga ay maaaring nagresulta  ng hindi maipaliwanag na mga pagpatay.

Titingnan din sa im­bestigasyon ng Senado na babagsak sa committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo Lacson kung ang mga araw-araw na patayan ay planado o kagagawan mismo ng estado kasunod ng pagkakapatay ng mga pulis ng may 81 suspected drug pushers sa Bulacan, Manila at Camanava kabilang na si Kian sa loob lamang ng apat na araw, hindi pa kasama dito ang mga drug operations sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tinukoy sa resolusyon na ang sinasabi ng testigo at CCTV footage ay taliwas sa bersyon o report ng pulisya na “nanlaban” si Kian na nagbunsod ng shootout. 

Ayon naman kay Se­nator Bam Aquino, ang kanilang minority bloc ay may hiwalay na resolusyon nang nilagdaan na nagsusulong din sa Senado na imbestigahan ang pagpatay kay Kian.

Sinabi ni Aquino na nakatakda siyang magbigay ng kanyang privilege speech sa sesyon ng Senado upang kondenahin ang pagpatay kay Kian.

Aniya, ito ang panahon upang magkaisa ang mga senador upang maipalabas ang katotohanan para sa proteksyon ng publiko sa mga paglabag o extrajudicial killings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with