^

Bansa

Pagkamatay ni Kian iba sa totoong resulta ng war on drugs – PNP

Pilipino Star Ngayon
Pagkamatay ni Kian iba sa totoong resulta ng war on drugs � PNP

MANILA, Philippines – Nakiusap ang Philippine National Police sa publiko na huwag pagbasehan ang pagkamatay ni Kian Delos Santos upang sabihing malupit ang war against drugs ng gobyerno.

Sinabi ni PNP spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos ngayong Lunes na kabilang lamang sa 0.2 percent ng anti-drug operations ang insidente ng pagkasawi ni Delos Santos.

“This is a separate incident. Huwag natin i-generalize na because of one incident, lahat ng police operation will result as same as to Kian,” pahayag ni Carlos.

BASAHIN: Ama ni Kian hinamon si Bato

“Let us not generalize the incident involving the minor. Iba po ‘yan sa pang araw-araw na nagaganap,” dagdag niya.

Aniya mula nang simulant nila ang kampanya laban sa ilegal na droga ay malayang nakapaglalakad ang publiko na walang pangamba.

“Ngayon ang tanong ‘pag ikaw ba ay lumabas ngayon ikaw ba ay naho-holdap ng adik? ‘pag lumabas ka sa gabi ngayon ikaw ba ay nare-rape ng adik? Ngayon ba sa mga panahon na ito ay nabubugbog ka ng adik?” patuloy pa ni Carlos.

Ipinagmalaki rin niya nasa 1.039 milyon na ang sumuko mula noong Hulyo 2016, habang 90,000 na nagkasalang mga drug suspect ang buhay at nakakulong.

“Ito po ang totoong resulta,” sabi ni Carlos.

Sinabi pa ni Carlos na maging sila naman ay namamatayan ng tauhan na umabot na sa 70 bukod pa ang 196 na nagtamo ng malalalang tama.

Marami ang nagalit dahil sa pagkamatay ni Delos Santos sa kamay ng mga tauhan ng Caloocan City police.

Magsasagawa na rin ng magkakahiwalay na imbestigasyon ang Senado, National Bureau of Investigation, Commission on Human Rights at PNP. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with