^

Bansa

Dong itinangging ‘middleman’ sa P6.4 B shabu

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng kampo ng negosyanteng si Keneth Dong na nagsilbi siyang middleman para sa nasabat na P6.4 bilyong halaga ng shabu na lulan ng shipment mula China ng Bureau of Customs (BoC) noong Mayo 2017 gaya ng lumilitaw sa mga media reports.

Sinabi ng legal camp ni Mr. Dong, hindi nagsilbing middleman para sa nasabing shipment ang kanyang kliyente at lalong hindi ito sangkot sa nasabat na kargamentong naglalaman ng illegal drugs.

Bilang patunay na malinis ang konsensiya ni Dong ay umuwi pa ito ng Pilipinas mula sa kanilang business trip sa Singapore at China matapos madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersya.

Sinabi rin ni Dong, hindi niya kilala si Richard Chen bagkus ang kakilala lamang niya ay sina Manny Li at Mark Taguba.

“Nilinaw din ng aking kliyente na si Mr. Manny Li ang nagpasok kay Mr. Chen na may-ari ng Hong Fei at hindi niya ito personal na kakilala,” paliwanag pa ng legal camp sa kanilang statement.

Isang lehitimong negosyante umano si Dong na na­ging matagumpay sa pagsisikap nito sa kanyang pagnenegosyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with