^

Bansa

P500-M kita sa illegal drugs kada araw

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
P500-M kita sa illegal drugs kada araw

Sa kabila ng kaliwa’t kanang police operations sa mga drug pushers at users kada araw, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na patuloy pa rin ang operasyon ng sindikato ng droga dahil sa laki ng kanilang kinikita na tinatayang umaabot sa P500 milyon kada araw. PRIB/Albert Calvelo, File

MANILA, Philippines - Sa kabila ng kaliwa’t kanang police operations sa mga drug pushers at users kada araw, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na patuloy pa rin ang operasyon ng sindikato ng droga dahil sa laki ng kanilang kinikita na tinatayang umaabot sa P500 milyon kada araw.

Ayon kay Lacson, tone-tonelada pa ring illegal drugs ang nasa merkado ngayon kung ang pagbabasehan ay ang mga unang nakalusot na droga sa Bureau of Customs (BoC) bukod pa sa nasamsam na P6.4 bilyong shabu sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Sinabi ni Lacson na sa isang pag-aaral, ang average na ginagastos ng isang regular drug addict ay nasa pagitan ng $10-$80 kada araw, depende umano sa adiksyon nito at bumibili ito ng P500 na pinakamababa na kada araw para may masinghot. Dahil dito, kung susumahin sa may 1.3 milyong drug users o sa tinatayang nasa hanggang 4 na milyon, umaabot umano sa may P500 milyon ang kinikita ng mga druglords. Sa isang buwan, aabot naman ang kitaan sa iligal na droga sa P15-bilyon at P180-bilyon kada taon.

Sinabi pa ni Lacson na dahil sa laki ng kita, talo pa ng mga drug pushers at drug lords ang market ng mga nagtitinda ng kotse.

Pinuna pa ni Lacson ang araw-araw na patayan sa drug operations ng pulisya na ang pinakahuli ay nadamay ang 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos, na pinaghinalaang drug pusher sa Caloocan City. Aniya, tanging maliliit na mamamayan lamang ang natatamaan sa drug operations ng PNP at walang nahuhuli o napapatay na drug lord o mayayamang sangkot sa droga.

“Lagi natin nakikitang nakabulagta madaling araw naka-tsinelas. Wala pa tayong nakitang napatay na naka-Ferragamo o relong Rolex. Wala pa eh. Kung ganoon makikita natin, totohanan na talagang seryoso at ang malalaki talaga ang tinatamaan,”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with