^

Bansa

‘Ang gulo na ng bayan’ - CBCP

Pilipino Star Ngayon
�Ang gulo na ng bayan� - CBCP

“Ang gulo ng bayan!” ani CBCP President Archbishop Socrates Villegas. “Ang opisyal na pumatay ay may para­ngal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila ‘nanlaban kasi’. Hindi na nila masabi, ‘nagmakaawa po ako hindi ako lumaban.’  Sino ang magtatanggol sa kanila?”. CBCP/File

MANILA, Philippines - Muling tinuligsa ng pamunuan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang ipinatutupad na ‘anti-drug war’ ng administrasyong Duterte na umano’y naglagay na sa bansa sa napakagulong estado nito.

“Ang gulo ng bayan!” ani CBCP President Archbishop Socrates Villegas. “Ang opisyal na pumatay ay may para­ngal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila ‘nanlaban kasi’. Hindi na nila masabi, ‘nagmakaawa po ako hindi ako lumaban.’  Sino ang magtatanggol sa kanila?”

Kabilang sa mga kuwestiyon ni Villegas sa pamahalaan at sa pulisya ay kung bakit ang mga mahihirap lamang ang mga napapatay sa mga drug operations habang ang mga nasa kapangyarihan ay nabibigyan umano ang espesyal na pagtrato.

“Bakit ang mga mahihirap na lang lagi ang binabaril at kapag mayamang ‘malakas sa itaas’ ay kailangan muna ng imbestigasyon at affidavit?” dagdag ni Villegas.

Nabatid na umaabot sa 91 ang napatay noong nakaraang linggo lamang kabilang ang 32 katao sa Bulacan, 25 sa Maynila at 22 sa Camanava kung saan kabilang ang Grade 11 student na si Kian Lloyd delos Santos.

Dahil dito, sinabi ni Villegas na papatunugin ang mga kampana sa mga simbahan sa kanyang archdiocese sa Lingayen, Dagupan ng 15 minuto kada gabi mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 27 upang magsilbing pa­nawagan para sa hustisya sa mga napaslang, usigin ang konsensya ng mga sa­larin at gisingin ang bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with