^

Bansa

Testigo sa Kian killing, hawak ng senador

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Testigo sa Kian killing, hawak ng senador

Nasa pangangalaga ng senador ang ilang testigo bago ang pagsalang nila sa nakatakdang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa sinasabing “murder” case ni Kian. AP/File

MANILA, Philippines - Matapos na makatanggap ng death threats, nasa kustodiya na ni Sen. Risa Hontiveros ang mga testigo laban sa mga pulis na umano’y bumaril at pumatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos.

Ayon sa senadora, bibigyan niya ng proteksyon ang mga witness katuwang ang isang institusyon na kaparehas sa ibibigay na proteksyon sa pamilya ng napatay na si Kian Loyd.

Si Hontiveros ay dumalaw sa burol ni Kian at personal na nakausap nito ang pamilya ng biktima.

Bukod kay Hontiveros, dumalaw din si Vice Pres.Leni Robredo sa burol ni Kian sa Caloocan.

Nasa pangangalaga ng senador ang ilang testigo bago ang pagsalang nila sa nakatakdang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa sinasabing “murder” case ni Kian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with