^

Bansa

Senate probe sa Kian killing, itinakda na sa Agosto 22

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tiyak na “magigisa” sa Senado ang mga pulis na sinasabing bumaril at pumatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos matapos na itakda na ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Senate committee chairman Richard Gordon, sisimulan ang pagdinig sa Agosto 22 sa pagkakapaslang kay Kian Loyd upang mabatid kung may mga paglabag ang mga pulis sa drug ope­ration at upang matukoy kung “rubout” ang nasabing insidente o sadyang pinatay ang binatilyo.

Sinabi ni Gordon na maraming dapat na ipaliwanag ang mga pulis sa pagkasawi ni Kian at sa mga nagaganap pang drug operations kung saan araw-araw ay maraming namamatay na hinihinalang drug pushers at addict.

Inaasahang kabilang sa mga iimbitahan sa pagdinig si PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa, mga police officials at ang tatlong pulis na nakunan sa video na kumakaladkad kay Kian Lloyd bago umano pinatakbo at binaril ang biktima.

“Me mga ebidensya e. We must be fair,”ani Gordon. “You cannot fight the drug menace by just killing. You must go to the source,” dagdag nito.

Pinaalalahanan pa ng senador ang mga pulis na sa halip na patayin ay dapat arestuhin ang mga drug pusher at tanungin kung sino ang kanilang supplier.

Si Kian Lloyd ay na­patay sa drug operation ng mga pulis noong Miyerkules ng gabi sa Caloocan City.

Lumalabas sa video footage sa lugar na kitang hawak-hawak pa ng mga pulis si Kian Lloyd at buhay na buhay bago ang sinasabing shootout. 

Ayon sa mga testigo, sa kabila ng pagmama­kaawa ni Kian Lloyd, pinahahawak umano sa kanya ang isang baril at pinatatakbo subalit umiiyak na nagmakaawa ang binatilyo hanggang sa makita na lamang ang bangkay nito habang nasa kanang kamay nito ang isang baril. Pinalabas ng mga pulis na “shootout” ang nangyari sa insidente.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with