^

Bansa

Kaso ng bird-to-human flu wala pa sa Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng bird-to-human  flu wala pa sa Pinas

“As of this time, there has been no report of bird-to-human contamination in the Philippines,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tiniyak na naililipat lang ang bird flu sa pamamagitan ng “respiratory routes.” Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines -  Wala pa ring kaso ng “bird-to-human contamination” sa bansa kahit pa napaulat na mayroon na ring bagong kaso ng bird flu sa Nueva Ecija.

“As of this time, there has been no report of bird-to-human contamination in the Philippines,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tiniyak na naililipat lang ang bird flu sa pamamagitan ng “respiratory routes.”

Ipinalala rin ni Abella na mahalagang maluto ng mabuti ang mga manok at itlog para matiyak ang kaligtasan ng mga consumers.

Tiniyak naman ni Abella sa publiko na masusing binabantayan ng gobyerno ang bagong kaso ng bird flu sa Nueva Ecija.

Hinikayat din nito ang publiko na tigilan ang pagpapakalat ng mga pekeng balita na nagdudulot ng panic sa mga mamamayan.

Idinagdag ni Abella na mabilis namang kumikilos ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng bird flu.

Nagpapatupad na rin aniya ng surveillance sa mga komunidad kung saan nakapagtala ng pagkamatay ng mga manok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with