^

Bansa

3 Pinoy patay sa hajj sa Saudi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy patay sa hajj sa Saudi

Sa ulat na nakarating sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, ang tatlong Pinoy ay kapwa binawian nang buhay matapos na atakihin sa puso sa gitna ng pagdagsa at pagsamba ng mga kapwa Muslim sa sagradong lugar sa Makkah. AP Photo/Mosa'ab Elshamy, File

MANILA, Philippines -  Dahil sa matinding init ng panahon, tatlong Pinoy pilgrims na ang naitatala ng Saudi authorities na nasawi sa kasagsagan ng hajj sa Mecca, Saudi Arabia.

Sa ulat na nakarating sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, ang tatlong Pinoy ay kapwa binawian nang buhay matapos na atakihin sa puso sa gitna ng pagdagsa at pagsamba ng mga kapwa Muslim sa sagradong lugar sa Makkah.

Kinilala ng embahada ang mga nasawi na sina Norma Mangatong Darak, Abdur Rahman Hajinur at Lawan Sigayan, pawang tubong Marawi City.

Si Darak, nasa 50-an­yos, ay unang ibinalita ni Vice Consul Alexander Estomo ng Phl Consulate General sa Jeddah na nasawi dahil sa heart attack noong Agosto 9 at makalipas ang ilang araw ay namatay din sina Hajinur, 62, at Sigayan, 31, nitong Agosto 13.

Nabatid na tinatayang nasa 6,000 Pinoy pilgrims ang nakiisa ngayong taon sa pagdaraos ng hajj pilgrimage sa Mecca na magsisimula sa Agosto 25.

Karaniwang nakararanas ang mga pilgrims ng mga sakit tulad ng ubo, sipon, pagkahilo at pana­nakit ng ulo na na­giging dahilan din ng heat stroke o heart attack dahil sa matin­ding summer sa Saudi.

Taun-taon ay ginagawa ang hajj pilgrimage sa nasabing sagradong lugar sa Saudi kung saan dinadaluhan ng milyun-milyong debotong Muslim na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with