^

Bansa

Bitay sa Pinoy sa Malaysia ipinagpaliban

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Bitay sa Pinoy sa Malaysia ipinagpaliban

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), matapos ang huling minuto ng apela ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ay nasagip pansamantala sa execution ang Pinoy na si Ejah Bin Jaafar na nakatakdang bitayin kamakalawa o nitong Biyernes. File

MANILA, Philippines -  Pansamantalang nakaligtas sa bitayan ang isang Pinoy na nasa death row sa Sabah, Malaysia dahil sa pagpatay sa kapwa Pinoy matapos na ipagpaliban ng Malaysian government ang kanyang eksekusyon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), matapos ang huling minuto ng apela ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ay nasagip pansamantala sa execution ang Pinoy na si Ejah Bin Jaafar na nakatakdang bitayin kamakalawa o nitong Biyernes.

Agad namang nagpasalamat si DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa Malaysian government partikular kay Sabah Governor Tun Datuk Seri Panglima Haji Juhar bin Haji Mahiruddin dahil sa ipinakitang “humanitarian” sa apela ng Duterte administration.

“We would like to thank the Governor of Sabah for responding to the repeated appeals of the Philippine Government on behalf of the family of Mr. Jaafar,” ayon sa statement ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na magpapatuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng tulong o legal assistance kay Jaafar.

“The Department stands ready to provide any further assistance to Ejah bin Jaafar and his family,” dagdag ni Ca­ye­tano

Ayon kay Phl Ambassador to Malaysia Charles Jose, simula pa noong 2015 ay hiniling na ng pamahalaan sa Malaysian government na sagipin ang buhay ni Jaafar.

Sinabi Jose na ipagpapatuloy ng Embahada ang pag-apela sa kaso ni Jaafar para makakuha ng posibleng “commutation” sa kanyang parusa.

Nabatid na irerepaso ang kaso ni Jaafar ng Sabah Pardons Board sa Disyembre kasunod ng pagpapaliban ng bitay at dito malalaman ang desis­yon kung mapapababa ang hatol nito sa habambuhay na pagka­bilanggo o itutuloy ang bitay.

Si Jaafar ay hinatulan ng kamatayan ng Sandakan High Court matapos mapatunayang guilty sa kasong murder nang mapatay ang isa ring Pinoy noong Setyembre 2006. 

Pinagtibay naman ng Malaysian Court of Appeals noong Setyembre 19, 2011 at Federal Court noong Setyembre  11, 2013 ang nasabing hatol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with