^

Bansa

RAM humingi ng amnesty kay Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines -  Malaki ang posibilidad na ibigay ni Pangulong Duterte ang hinihinging amnesty ng mga miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Naniniwala si Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na positibo ang naging pananaw ng Pangulo sa hinihingi ng RAM kaya tinanggap niya ang mga ito sa isang meeting sa Malacañang noong nakaraang Miyerkules.

Kabilang sa mga humarap sa Pangulo sina Sen. Gregorio Honasan na lider ng RAM at sina retired Captains Felix Turingan at Glen Agudo, retired Navy Commodore Rex Robles, retired Colonels Marcelino Malajacan Jr., Hernando Caraig at James Joven, retired Police Director Victor Batac, at engineer Jegie Pereda.

Matatandaan na ang RAM ang grupo ng mga sundalo na nanguna sa pagpapabagsak sa rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power 1.

Ang nasabing grupo rin ang nagtangkang patalsikin sa puwesto si dating pangulong Corazon Aquino pero sila ay nabigo at nakasuhan pa ng rebelyon.

Sinabi ni Abella na nagpahayag ng suporta ang grupo kay Duterte at nangakong tutulong sa administrasyon.

Sinabi naman ni Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., AFP spokesperson na sa tingin niya ay hinahabol ng mga miyembro ng RAM ang kanilang mga benepisyo na nawala dahil sa kinaharap na kaso.

“Ang hinahabol lang ho yata dito nung mga ilan na hindi nabigyan ng amnesty at napardon ay ‘yung kanilang mga gratuities, ‘yung kanilang mga benefits,” sabi ni Padilla.

Dahil matatanda na anya ang mga opisyal ng RAM, may mga karamdaman na ang mga ito at nangangaila­ngan ng gamot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with