^

Bansa

Paggamit ng ibang app giit ng LCSP, aprub sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa Uber suspension

MANILA, Philippines -  Iminungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na lumipat muna ang mga driver ng ibang application tulad ng Grab at U hop na naapektuhan ng pagsuspinde ng isang buwan ng Uber on-line service.

Ayon kay LCSP founding President Ariel Inton, sa pamamagitan ng hakbang ay walang gaanong maapektuhang commuters na sumasakay sa nasuspindeng Uber vehicles.

Kaugnay nito, i­naprubahan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-switch ng mga miyembro ng Uber sa Grab at U hop habang suspendido ang operasyon ng Uber Philippines.

Sinabi naman ni LTFRB board member Aileen Lizada, kailangan lamang na ang mga driver ng Uber na papayagang mag-switch sa Grab at U hop ay magpapakita ng katunayan na sila ay accredited ng Uber at may katunayan ng insurance coverage para makapasada.

Isinaalang-alang dito ng LTFRB ang mataas na demand ng mga pasahero ng TNVS na umaabot sa 300,000 phone books kada araw.

Gayunman, kinuwest­yon ni Inton kung paano maaaplay ang suspension order ng Uber gayung ang accreditation nito ay hanggang August 19 na lamang.

“Uber accreditation expires August 19, Suspension is 30 days from August 14. What is to be suspended after August 19 kung tapos na ang accreditation, unless LTFRB renews para ma serve un balance sa suspension na 25 days pa,” pahayag ni Inton.

Una nang umapela ang Grab na mag-penalty na lamang sa ginawang pagsuspinde sa kanilang operasyon pero ang bagay na ito ay takdang busisiin ng LTFRB sa August 23.

Sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng Uber dahil patuloy ang pagtanggap nito ng applications ng mga bagong miyembro kahit tapos na ang pagkakaloob dito ng accreditation ng LTFRB noong October 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with