^

Bansa

Patas na imbestigasyon sa drug raids tiniyak ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Patas na imbestigasyon sa drug  raids tiniyak ng Malacañang

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang naganap na raids sa Bulacan ay hindi naman sa iisang operasyon lamang kundi kinabibilangan ng maraming police operations laban sa mga illegal drug offenders sa buong lalawigan. PPD/Robinson Niñal, File

MANILA, Philippines -  Tiniyak kahapon ng Malacañang na magiging patas ang imbestigasyon kaugnay sa anti-drugs raids sa Bulacan na ikinamatay ng 32 suspected drug personalities.

“There will be a fair and impartial investigation on the recent Bulacan raids,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Sa kabila ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na maganda ang nangyari at dapat araw-araw ay may 32 napapatay na drug lords.

Sinabi ni Abella, ang naganap na raids sa Bulacan ay hindi naman sa iisang operasyon lamang kundi kinabibilangan ng maraming police operations laban sa mga illegal drug offenders sa buong lalawigan.

Ayon kay Abella, makikita namang nanlaban ang mga suspek batay sa mga narekober na baril, granada at bala.

Magugunitang tinawag pa ng Pangulo na “maganda” ang nangyaring pagkamatay ng 32 drug suspects na dapat aniya nangyayari araw-araw.

“Iyong namatay daw sa Bulacan, 32 in a massive raid. Maganda iyon. Makapatay lang tayo ng another 32 everyday,” pahayag ng Pangulo kamakalawa.

Muli ring binanggit ng Pangulo na sinisira ng problema ng iligal na droga ang bansa.

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang Malacañang sa 25 ding napatay sa drug raids na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) sa Maynila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with