^

Bansa

Government officials pinagko-commute

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Government officials pinagko-commute

Ito’y sakaling mapagtibay ang House Bill (HB) 6195 na inihain ng 29- anyos na si Aangat Tayo Rep. Neil Abayon. File

MANILA, Philippines - Pipila sa mahabang linya, makikipagsiksikan kasama ng daang libong commuters upang sumakay sa mga pampublikong terminal ang mga opisyal ng gobyerno sa buong bansa.

Ito’y sakaling mapagtibay ang House Bill (HB) 6195 na inihain ng 29- anyos na si Aangat Tayo Rep. Neil Abayon.

Ayon kay Abayon, mi­yembro ng House Committee on Transportation, ito’y upang maranasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang hirap na dinaranas ng mga commuters sa pagsakay sa mga public transports sa araw-araw na pumapasok ang mga ito sa trabaho at uuwi sa kanilang mga tahanan. 

Sinabi ni Abayon na nilalayon ng HB 6195 na obligahin ang mga halal at mga pampublikong opisyal at mga civil servants sa nasyonal at lokal na pamahalaan na may ranggong Division Chief, Department Secretary na sumakay sa mga pampublikong sasakyan papasok sa trabaho at patungo sa kanilang mga ‘official business’.

Nilinaw naman ng solon na gagawin lamang ito ng mga kinauukulang opisyal isang beses isang linggo, tuwing rush hours .

Kabilang naman sa sasakyan ng mga ito ay mga pampasaherong bus, commuter trains, light rail, taxis, transport network vehicle service, public utility jeepneys at mga tricycle.

Ang tanging exempted o hindi saklaw ng nasabing panukalang batas sa pagbiyahe sa lupa, himpapawid at karagatan ay ang mga opisyal ng pamahalaan na nagkaroon na ng kapansanan sa katawan, may karamdaman pero kailangang sinertipikahan ang mga ito ng mga medical specialist.

Bunga naman ng isyu ng seguridad ay hindi dito kabilang ang Pangulo ng bansa, Bise Presidente, Chief Justice at Justices ng Korte Suprema.

Sa kabila nito, ipauubaya na sa desisyon ng nasabing mga matataas na opisyal ng gobyerno kung susubukan ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan basta’t mayroon ang mga itong security team.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with