Suportado ko si Faeldon – Duterte
MANILA, Philippines - Tahasang sinabi kahapon ni Pangulong Duterte na suportado niya si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa kabila ng kinakaharap nitong isyu tungkol sa P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa BoC mula sa China.
Sa talumpati ng Pangulo sa 19th Founding Anniversary ng Volunteers Against Crime and Corruption na isinagawa sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na matapat na tao si Faeldon.
“But Faeldon, I stand by him. He is really honest,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na nalusutan lamang si Faeldon dahil halos lahat ng tao sa BoC ay corrupt.
“Kaya lang nalusutan siya because lahat sa Customs corrupt,” sabi ng Pangulo.
Halos lahat din aniya ng mga opisyal sa BoC ay may mga magagandang bahay at magagandang sasakyan.
“And little did I realize that the very agency I was relying on to protect us from the smuggling of drugs from abroad, ‘yun pala ang nag-i-import rin ng drugs. So how can I finish it?” anang Pangulo.
- Latest