PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

CA ibinasura ang pagkakatalaga kay Taguiwalo

Pangatlo na si Judy Taguiwalo sa mga appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pinalampas ng Commission on Appointments. STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines – Hindi kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Social Welfare and Development.

Nilabas ng CA ngayong Miyerkules ang desisyon matapos ang isang executive session kung saan 13 ang bumoto kontra kay Taguiwalo.

Naniniwala si Taguiwalo na may kinalaman ang pagtindig niya laban sa pork barrel sa pagkakaharang ng kanyang kompirmasyon.

“I had served the people well. I gave my all and I’m proud to say that my integrity remains intact and I never once lose sight of the people I have sworn to serve,” pahayag ni Taguiwalo.

Si Taguiwalo ang ikatlong appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pinalagpas ng CA.

Nauna nang ibinasura ang pagkakatalaga kay Perfecto Yasay Jr. bilang Foreign Affairs Secretary at Gina Lopez bilang Environment Secretary.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matapos ang naging desisyon ng CA, ibinahagi naman ni Sen. Kiko Pangilinan ang pagsuporta ng Liberal Party kay Taguiwalo.

“On behalf of the LP Senate contingent in the CA, we would like to manifest that all 4 of us voted for the confirmation of Taguiwalo,” pahayag ni Pangilinan.

Samantala, ikinalungkot naman ng Palasyo ang naging desisyon ng CA kay Taguiwalo.

“We are saddened by the Commission on Appointments’ rejection of Secretary Judy Taguiwalo,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

“Secretary Taguiwalo had served the Duterte administration with passion, profession and integrity. She made an impact in the lives of many Filipinos in her tenure as DSWD Secretary,” dagdag ni Abella.

Kasalukuyan nang naghahanap si Duterte ng ipapalit kay Taguiwalo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: