Road Safety Code suportado ni QC VM Joy Belmonte
MANILA, Philippines - Suportado ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang ordinansang Road Safety Code na magbibigay ng proteksiyon sa mga motorista.
Ayon kay Belmonte, panahon na upang maipasa ang ordinansa lalo pa’t 33,000 banggaan ng sasakyan at 116 road death ang naitala noong nakaraang taon sa lungsod.
Paliwanag ni Belmonte, mahalagang may public consultations upang mas maging malinaw sa publiko at motorista ang kanilang mga obligasyon sa kalsada.
“Between life and death, it could just be wearing a helmet, it could just be setting speed limits, it could just be preventing drink-driving, or it could just be having pedestrian lanes that spell the difference,” ani Belmonte.
Sinabi pa ni Belmonte na hindi lamang ang mga motorista ang may responsibilidad paglabas ng kanilang mga tahanan kundi maging ang mga commuters at pedestrians.
Ang nasabing ordinansa ay isinusulong ni Councilor Olivier Belmonte, Chairman ng Committee on Transportation.
- Latest