^

Bansa

Lipatan ng partido, solusyunan-VP Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kailangang hanapan ng solusyon ang ginagawa ng mga pulitiko na pagkatapos ng presidential election ay naglilipatan na ng partido ang mga ito at lahat ay patungo sa bakuran ng nanalong pangulo.

Ginawa ni Vice Pres. Leni Robredo ang nasabing paha­yag sa kanyang radio program kahapon kasunod ng unang national executive coucil mee­ting ng Liberal Party (LP) noong Huwebes.

Sa mga nakaraang Kongreso ay may mga mambabatas na naghahain ng panukala na ipagbawal ang pagpapalit ng partido subalit hindi ito maipasa-pasa sa dalawang Kapulungan.

Noong 2010, biglang dumami ang miyembro ng LP matapos manalo si dating Pangulong Noynoy Aquino matapos maglipatan sa kanilang lapian ang mga pulitiko mula sa ibang partido.

Gayunpaman, lumiit ang puwersa ng LP matapos ang 2016 presidential election dahil naglipatan ang mga ito sa PDP-Laban, na siyang partido ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaya biglang dumami ang mga ito mula sa iilang miyembro lamang.

Subalit ayon sa Bise Presidente, muling magpapalakas ang partido at hindi lamang ang mga pulitiko ang kanilang target na maging miyembro kundi ang mamamayan na naniniwala sa kanilang ipinaglalaban at prinsipyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with