^

Bansa

‘No expiration’ sa GCs, ok na sa Senado

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling­ pagbasa ang panukalang ipagbawal sa mga merchants na maglagay o magdeklara ng “expiration dates” sa mga gift checks at gift certificates o gift cards.

Bumoto ang lahat ng 22 senador na dumalo sa pagdinig na maapruba ang Senate Bill No. 1466 na nagbabawal na may “expiry date” ang mga gift checks.

Ang nasabing panukalang batas ay inakda ni Sen. Juan Miguel Zubiri, chairman ng Senate committee on trade, commerce, and entrepreneurship.  

Nakapaloob sa panukala na labag sa batas ang paglalagay ng expiry date sa GCs. Ipinagbabawal din sa mga merchants na hindi tanggapin ang mga hindi nagamit na halaga na nakapaloob sa GCs, ang credit o balanced stored na nasa gift check.

Layunin umano ng panukala na mabigyan ng patas na proteksyon ang nag-isyu ng GC at ng accredited merchants kung sakaling hindi tatanggapin ang GC.

Hindi ka­sama sa na­sabing panukalang batas­ ang mga coupons o vou­chers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with