^

Bansa

‘Middleman’ ng P6.4 shabu inaresto sa rape case

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos isalang sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, agad na inaresto kahapon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng Senado ang negosyanteng si Kenneth Dong na sinasabing “middleman” ng P6.4 bil­yong shabu shipment mula China na ipinuslit sa Bureau of Customs (BoC).

Pero agad nilinaw ng NBI na hindi konektado sa droga ang paghuli nila kay Dong.

Sinabi ni NBI spokesman Ferdinand Lavin na galing umano sa Paraña­que court ang warrant of arrest dahil sa kasong rape.

Lumutang ang pangalan ni Dong nang ihayag ng broker-importer na si Mark Taguba na nagsilbing “middleman” ang una sa 604 kilong shabu.

Mas lalong lumutang ang pangalan ni Dong nang mabunyag na nagbigay umano siya ng mil­yun-milyong campaign funds sa ilang mga senador noong nagdaang halalan at kinu­ha pa niyang ninong at ninang sa kanyang kasal.

Nagsilbing sponsors sa kasal ni Dong sina Senators Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Juan Miguel Zubiri noong 2013. 

Sina Sen. Joel Villa­nueva at Hon­tiveros ay nakatanggap umano ng milyun-milyong campaign funds mula kay Dong at maging si Sen. Ralph Recto ay malapit din umano kay Dong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with