PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Faeldon nakipagmatigasan kay Trillanes, ayaw sagutin kung may katiwalian sa Customs

Magkasama sina Bureau of Customs commissioner Nicanor Faeldon Faeldon at Sen. Antonio Trillanes sa “Oakwood Mutiny” noong 2003 upang iprotesta ang matinding katiwalian sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo. STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines – Nakipagmatigasan si Bureau of Customs commissioner Nicanor Faeldon kay Sen. Antonio Trillanes IV sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado kaugnay ng nakalusot na P6.4 bilyon na ilegal na droga mula Tsina.

Sa simula ng imbestigasyon, makailang beses na tumanggi si Faeldon na sagutin ang tanong ni Trillanes kung may katiwalian ba na nangyayari sa loob ng ahensiya.

“Preposterous stories peddled by you are all over the news the past few days. I do not want to further justify your reckless accusations by answering your question, Your Honor,” sagot ni Faeldon kay Trillanes na dating magkasama sa Magdalo group.

Ayon sa commissioner wala na umanong rason para sagutin pa ang tanong ni Trillanes dahil sa simula pa lamang ay pinagbintangan na umano siya ng senador.

“It’s pointless for me, Your Honor, to answer these questions because he has already [came] up with [a] conclusion already,” dagdag ni Faeldon.

Kahit pa man pumagitna at nakiusap si Senador Richard Gordon na sagutin na lang ang tanong ni Trillanes ay iginiit pa rin ni Faeldon na hindi niya ito gagawin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil dito, binantaan ni Trillanes si Faeldon ng contempt matapos nitong tahasang sabihin na hindi niya sasagutin ang kahit na ano mang tanong na manggagaling sa senador.

“I will answer all your questions but to the Honorable Senator Antonio Trillanes, I will not answer,” pagmamatigas ni Faeldon.

Giit niya na marami na umanong naapektuhan sa naging pahayag ni Trillanes.

“There are so many innocent families that have been already affected by this [issue]. It is my responsibility not to allow this to happen to these innocent people working so hard under the Customs," pahayag ni Faeldon.

Ngunit kinalauna’y sinagot na rin ni Faeldon ang tanong ni Trillanes ng “yes.”

Magkasama sina Faeldon at Trillanes sa “Oakwood Mutiny” noong 2003 upang iprotesta ang matinding katiwalian sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: