PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Chicken ng isang fast food chain ligtas pa rin kainin

Sinabi ng JFC na wala dapat ikabahala ang publiko dahil sumasailalim sa masusing proseso ang kanilang mga manok kaya’t ligtas pa rin ito kainin. Facebook/Jollibee

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Jollibee Foods Corporation (JFC) na ligtas pa rin kainin ang kanilang pamosong manok sa kabila ng Avian Influenza o bird flu outbreak sa Pampanga.

Sinabi ng JFC na wala dapat ikabahala ang publiko dahil sumasailalim sa masusing proseso ang kanilang mga manok kaya’t ligtas pa rin ito kainin.

“JFC sources its local poultry product requirements only from accredited and reputable suppliers in the Philippines that employ the safest food practices in sourcing, manufacturing, preparation and delivery,” pahayag ng JFC

Dagdag ng JFC, sinigurado ng kanilang mga suplayer na hindi sila apektado sa paglaganap ng bird flu.

“All poultry suppliers of JFC have confirmed that they are not affected by the current avian flu as they are outside the bio security kilometer range and their most updated tests show no manifestation of any disease,” dagdag ng nila.

Samantala, ipinagutos ng Department of Agriculture (DA) ang pagpatay sa mga manok na aabot sa 1 milyon kaugnay ng naturang virus na naging sanhi ng pagdedeklara ng state of calamity sa Pampanga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ngunit giit naman ni DA Sec. Emanuel Piñol na napaghandaan na ng gobyero ang pagkalat ng bird flu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: