Sandiganbayan judge itinalaga ni Duterte sa SC
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo bilang bagong hukom ng Korte Suprema.
Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Lunes ang pagkakatalaga kay Gesmundo na ika-178 na judge ng mataas na hukuman.
Si Gesmundo ang ikaapat na mahistradong inilagay ni Duterte kasama sina Noel Tijam, Samuel Martires at dating CA Presiding Judge Andres Reyes Jr.
Uupuan ni Gesmundo ang nabakanteng pwesto ni Associate Justice Jose Mendoza na nagretiro kahapon.
Bago mapunta sa anti-graft court, nanilbihan siya sa Presidential Commission on Good Government at Court of Tax Appeals.
Kinilala rin siyang Most Outstanding Solicitor noong 1988, habang noong Agosto 2002 ay ginawa siyang Assistant Solicitor General.
- Latest