PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Panukalang pagpapaliban sa Bgy., SK polls aaprubahan na ng House

MANILA, Philippines - Aaprubahan na nga­yong araw ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mga panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections mula Oktubre 23, 2017 hanggang Mayo 2018 na may holdover provisions para sa mga kasalukuyang opisyal ng barangay.

Ayon kay Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna, chairman ng komite, magpupulong ang mga miyembro ng komite para aprubahan ang lahat ng nakabinbing panukala sa nasabing usapin.

Sa kabila nito, bibigyan naman nila ng pagkakataon ang lahat ng stakeholders na ihayag ang kanilang posisyon.

Nilinaw naman ni Tugna na hindi prayoridad ng Kamara ang pag-abolish sa SK at hindi rin nila ito napapag-usapan bagamat mayroong panukalang batas para rito.

Iginiit pa ng kongresista na hindi pa naitatakda kung kailan ang hearing ng panukalang SK abolition sa kanyang komite at sa kanyang experience umano bilang pitong taong mambabatas, kapag hindi nai-schedule, ibig sabihin umano nito ay hindi ito prayoridad ng mababang kapulungan.

Nangangahulugan din umano ito na pinapaha­lagahan ng Kamara ang partisipasyon ng kabataan sa pamahahala ng barangay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: