PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

1 M manok kakatayin dahil sa bird flu

Sa ngayon tinata­yang humigit kumulang 400,000 manok umano ang kanilang nakatakdang katayin, pero maari pa raw itong umabot ng isang mil­yon, kabilang na ang mga free range, stray fowls at fighting cocks sa San Luis. File

MANILA, Philippines - Inutos ng Department of Agriculture ang pagkatay sa tinatayang 1 mil­yong manok kasunod nang anunsyo ni DA Sec. Emmanuel Piñol tungkol sa pinakaunang kaso ng bird flu sa bansa.

Dahil sa pangyayari, idineklara na ang state of calamity sa Pampanga.

Ayon sa kalihim, nakumpirma sa mga tests na isinagawa ng Bureau of Ani­mal Industry (BAI) at University of the Philippines-Los Baños (UPLB) ang pagkakaroon ng H5 strain ng virus sa isang farm sa Brgy. San Agustin sa San Luis, Pampanga matapos na iniulat ng may-ari nito ang biglaang pagkamatay ng kanyang mga alagang manok, pugo at pato.

Batay sa report na isi­numite sa BAI, kumalat na ang flu sa anim na poultry farms sa San Luis, Pampanga. 

Gayunman, apektado sa pagkatay na nakatakdang gawin ng DA, ang mga farms na sakop ng one kilometer radius.

Sa ngayon tinata­yang humigit kumulang 400,000 manok umano ang kanilang nakatakdang katayin, pero maari pa raw itong umabot ng isang mil­yon, kabilang na ang mga free range, stray fowls at fighting cocks sa San Luis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ngayon, 37,000 mga manok, pato, ibon at iba pang tulad nito ang patay na dahil sa nasabing virus.

Samantala, binigyang diin pa ng DA na Abril pa lamang ay may mga indikasyon na umano ng bird flu sa bansa. 

Iginiit din ni Piñol na hindi dapat ito magdulot ng panic sa publiko sapagkat matagal na raw napaghandaan ng gobyerno ang pangyayaring ito.

Ilan sa mga tinitingnan ng DA sa posibleng dahilan sa bird flu outbreak ay dahil sa mga migratory birds o mga smuggled na manok na nakakapasok sa bansa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: