PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PNA nag-sorry sa Dole logo

Humingi kahapon ng paumanhin ang Philippine News Agency dahil sa paglalabas ng isang istorya tungkol sa mga holidays sa 2018 kasama ang logo ng isang kompanya ng pinya. Screengrab from PNA

MANILA, Philippines -  Humingi kahapon ng paumanhin ang Philippine News Agency dahil sa paglalabas ng isang istorya tungkol sa mga holidays sa 2018 kasama ang logo ng isang kompanya ng pinya.

Sa halip na logo ng Department of Labor and Employment ang gamitin ng PNA sa inilabas na istorya, logo ng DOLE Food Co. na kilala sa mga pineapple products ang nailagay ng ahensiya.

 Agad na nag-viral ang nasabing istorya ng PNA pero agad rin nilang tinanggal ang logo ng kompanya ng pinya matapos umani ng batikos sa mga netizens.

Sa nasabing istorya ng PNA, inanunsiyo ang mga rules para sa 2018 holidays sa kanilang website base sa itinatakda ng DOLE o labor department.

Agad ring naglabas ng “erratum” ang PNA matapos umani ng batikos dahil sa pagkakamali.

 Idinagdag pa ng PNA na gagawa sila ng aksiyon para matiyak na magiging “accurate” ang mga impormasyon na makukuha ng kanilang mga readers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na gagawa sila ng aksiyon sa sandaling mapatunayan may nagpabaya sa trabaho kaya nangyari ang pagkakamali.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: