PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3.6 toneladang shabu nawawala

Naipuslit sa Customs

MANILA, Philippines -  Tinatayang aabot sa 3.6 toneladang shabu ang  kabuuang naipuslit sa Bureau of Customs  na pina­ngangambahang  ipinakakalat na sa merkado ng mga big time drug lords  sa iba’t-ibang bahagi ng bansa .

Ito ang nakakaalarmang ibinunyag kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nog­rales kaugnay ng umiinit na imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs sa 605 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon na nabawi sa raid sa Valenzuela City noong Mayo 26, 2017  matapos namang maipuslit sa kagawaran.

 Sinabi ni Nograles na lahat ng shabu shipment kung saan tumayong broker ang testigong si Mark Taguba ay nakasilid sa mga container ng printing machine cylinders na idineklarang ‘moulds’ at binigyan ng prebilihiyo para makadaan sa ‘green lane ‘ ng umano’y mga tiwaling opisyal ng BOC.

Ayon kay Nograles, base na rin sa pagtatapat ng nagbitiw sa puwestong si BOC Intelligence and Investigation Service Director Neil Anthony Estrella , nasa 2,000 kilo mula sa kabuuang 12,700 kilo na nasa loob ng 40 footer container  ang kanilang na-account .

Inihayag ni Gonzales na kung ang nasabing mga shipment ay nasingitan ng shabu base na rin sa tip ng mga awtoridad sa China ay tinatayang nasa 3.6 tonelada pang shabu ang ngayon ay nakakalat sa merkado.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: