PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

OCD nakatutok sa US-Nokor tension

Sa bantang nuclear missile attack

MANILA, Philippines -  Patuloy na minomonitor ng Office of Civil Defense ang umiinit na tensiyon sa pagitan ng pamahalaan ng Estados Unidos at North Korea kaugnay ng banta ng huli na magpapakawala ng apat na missiles sa Guam na bahagi ng teritoryo ng super power na bansa.

Sinabi ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima na bagaman umaasa silang hindi itutuloy ng North Korea ang banta nito ay mas mabuti na ang maglatag ng ‘contingency measures “ o maghanda sa posibleng idulot nitong panganib.

Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na baka sa Luneta bumagsak ang nuclear missile na ibinanta ni North Korean  President Kim Jong –un na pakakawalan sa Pacific Island ng Guam. Sa kabila nito ay inihayag naman nitong Biyernes ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na malabo ang posibilidad na tumama ang nuclear missile ng North Korea sa bahagi ng Northern Luzon.

Kapag nagkataon dito’y apektado ang Pilipinas na nasa layong 3,102 milya lamang  mula sa North Korea habang ang Guam naman ay nasa 2,100 kilometro kung saan kapag nagkataon maiipit sa gitna ang bansa.

Nabatid na nasa 4,000 ang Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa Guam na maaring maapektuhan sa bantang nuclear attack ng North Korea.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: