PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Paolo pinalagan si Leila

Inalmahan ni presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang alegasyon ng nakakulong na si Senator Leila de Lima sa umano’y pagkakadawit niya sa gusot sa Bureau of Customs kaugnay ng P6.4 bilyong shabu shipment na nagmula sa China. File

MANILA, Philippines -  Inalmahan ni presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang alegasyon ng nakakulong na si Senator Leila de Lima sa umano’y pagkakadawit niya sa gusot sa Bureau of Customs kaugnay ng P6.4 bilyong shabu shipment na nagmula sa China.

“Tignan n’yo na nga lang po kung sino itong nagsasalita? Locked up in jail for protecting drug lords and profilerating illegal drugs…, dapat pa ho ba akong mag-comment?” pahayag ng batang Duterte.

Ito ay matapos na mag­pahayag ang sena­dora na umano’y nadadawit ang pangalan ng presidential son sa idinaos na magkakahiwalay na pagdinig sa Kamara at sa Senado.

Nag-ugat ang pahayag na ito ni De Lima makaraang banggitin ni Pa­ngulong Duterte sa isang speech nito na personal na pinuntahan nito ang senadora sa kulungan nito sa Camp Crame upang “silipin” at alamin ang katayuan nito.

Hindi ito nagustuhan ng senadora kaya sinabi ni De Lima na imbes na siya ang bantayan, ay mabuti umanong i-monitor ng Pangulo ang mga aktibidad ng anak nito.

Naunang ibunyag ni Customs broker Mark Ruben Taguba II ang mga sangkot sa naturang P6.4 bilyon shabu shipment, inihayag din nito na base sa sabi-sabi sa loob ng Customs na bahagi rin di umano ng talamak na smuggling at drug trade ang naturang vice mayor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: