PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte handang magbitiw

Handa umanong magbitiw sa puwesto si Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung mapapatunayang sangkot ang anak niyang si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kaugnay ng talamak na smuggling sa bansa na nagbunsod na rin sa  kontrobersyal na P6.4 bilyong shabu shipment na galing ng China AP/Aaron Favila, File

Kapag may ebidensiya laban kay Paolo

MANILA, Philippines -  Handa umanong magbitiw sa puwesto si Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung mapapatunayang sangkot ang anak niyang si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kaugnay ng talamak na smuggling sa bansa na nagbunsod na rin sa  kontrobersyal na P6.4 bilyong shabu shipment na galing ng China

“Sabi ko, ‘Just give me an affidavit and I will step down as President of this Republic.’ And that is commitment to you now.  That is my word,” pahayag ng Pa­ngulo sa kanyang talumpati sa ika-100 anibersaryo ng Southern Philippines Medical Center na idinaos sa SMX Convention Center sa SM Lanang Premier kamakalawa ng gabi.

Nakaladkad ang pa­ngalang ng nakababatang Duterte sa talamak na smuggling at drug trade sa bansa partikular sa Bureau of Customs matapos ang isinagawang pagdinig sa Kamara at Senado kamakailan.

Ito’y makaraang ibunyag ni Customs broker Mark Ruben Taguba II ang mga taong sangkot sa P6.4 bil­yon drug shipment at ihayag na base umano sa naririnig nito sa loob ng Kawanihan, si VM Duterte di umano ang nasa likod ng talamak na smuggling na pinalalakad ng Davao Group.

“And if my son was real­ly into it or in is in there, all you have to do is to produce the paper…,because there are two ways of evidence…, oral pati documentary or the things that..,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, sa isang press briefing kahapon sa Palasyo, nilinaw ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang naging pahayag ng Pangulo sa pagsasabing hindi lamang basta affidavit ang kaila­ngan kundi isang dokumento o anumang kasulatan na dapat daw ay pirmado ni Vice Mayor Duterte.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Ang isang affidavit ay hindi ang documentary evidence na nais ng Pangulo na lumabas. Ang dokumentong iyan ay isa lamang nakasulat na pahayag ng isang tao na self-serving in character kaya kulang sa kredibilidad,” paliwanag ni Abella.

“Halimbawa, mga dokumentong tulad ng nilagdaan ng vice mayor o ng kanyang kinatawan, isang log book na nagpapakita sa pangalan ni Paulo na kabilang sa tumatanggap ng payola o bahagi ng tara mula sa BOC.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: