PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PANOORIN: Problema sa droga ‘di kaya sa isang termino ng pangulo

MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na masyadong malala ang problema ng Pilipinas sa ilegal na droga.

Sinabi ni Duterte kahapon na hindi ito kayang malutas sa anim na taong termino ng isang pangulo.

“Look itong shabu, ang drugs, etc., cannot be solved by one man, for a president for one term,” wika ni Duterte. “It has bugged nations, hindi nga kaya ng Amerika, tayo pa.”

Matatandaan na noong panahon ng kampanya ay sinabi ni Duterte na kaya niyang lutasin ang ilegal na droga sa bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Matapos manalo at maupo sa pwesto ay humingi ng palugit ang pangulo ng anim na buwan pa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: