^

Bansa

UP hindi na maniningil ng matrikula simula ngayong semestre

Pilipino Star Ngayon
UP hindi na maniningil ng matrikula simula ngayong semestre

MANILA, Philippines – Hindi pa man ipinatutupad ang bagong batas, sinimulan na ng University of the Philippines ang libreng edukasyon para sa kanilang mga estudyante ngayong semestre.

Inihayag ni UP President Danilo L. Concepcion na wala silang kokolektahing matrikula at iba pang bayarin alinsunod sa Sections 4 at 6 Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act na isinabatas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong nakaraang linggo lamang.

Hindi naman kasama sa libreng edukasyon ang mga lumampas na sa maximum residency requirement gayun din ang mga kumukuha ng medicine at law.

Sa susunod na taon pa inaasahang ipatupad ang libreng edukasyon para sa mga state universities at colleges sa buong bansa.

Matapos lagdaan ang panukala, inamin nito lamang ni Duterte na walang pondo ang gobyerno para saluhin ang gastusin sa libreng edukasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with