Pagbuwag sa PCGG walang pulitika
MANILA, Philippines - Walang bahid ng pulitika ang plano ng gobyerno na buwagin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang planong pagbuwag sa PCGG ay bahagi ng nais gawing ‘streamlining’ ng gobyerno.
“No politics in proposal to abolish the PCGG,” paliwanag ni Abella.
Ang PCGG ay binuo ni dating Pangulong Cory Aquino upang habulin umano ang ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Bukod sa PCGG, inanunsiyo din ni Pangulong Duterte sa kanyang nakaraang SONA na ipabubuwag din niya sa Kongreso ang Commission on Human Rights (CHR).
“President Duterte was expressing frustrations over apparent biases. We don’t talk about empty threats. We talk about concerns,” dagdag pa ng Presidential spokesman.
- Latest