^

Bansa

‘Gorio’ severe tropical storm na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Gorio� severe tropical storm na

Tuluyang isinailalim sa state of calamity ang Cotabato City sa Maguindanao sa dumaraming barangay na apektado ng pagbaha dahil sa patuloy na ulan. Umabot na sa 26 barangay ang binaha kung saan naapektuhan ang 20, 000 pamilya na nasa evacuation centers at kanikanilang kamag-anak. Apektado na rin ang mga pananim, palaisdaan at mga alagang hayop. Rhoderick Beñez

MANILA, Philippines - Isa ng Severe Tropical Storm ang bagyong Gorio dahil sa patuloy nitong paglakas habang nasa Luzon.

Alas-4 ng hapon kahapon, namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 605 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ni Gorio ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 115 kilometro kada oras.

Si Gorio ay kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.

Niliwanag naman ni Rene Paciente, climatologist ng PAGASA, na walang signal na dala ang bagyo dahil walang epekto sa ating bansa ang hangin ni Gorio.

“Ang hangin ay naapektuhan lamang ng habagat at walang direktang epekto sa hangin na dala ni Gorio kaya wala tayong warning signals,” pahayag ni Paciente.

Patuloy naman anya ang monitoring ng PAGASA sa Cordillera Regions dahil sa banta ng landslides sa susunod na 48 oras.

Ngayong Biyernes, si Gorio ay inaasahang nasa layong 505 km silangan timog silangan ng Basco, Batanes.

Sa Sabado ay nasa layong 325 km ng silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes at sa Linggo ay nasa 345 kilometro ng hilaga ng Basco, Batanes.

Sa Lunes ay nasa layong 515 kilometro hilaga ng Basco, Batanes at sa Martes ay inaasahang lalabas na ng ating bansa si Gorio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with